Ba't Ganto Ang Pag-Ibig - Zack Tabudlo

Gabi nanaman at nakita kang muli
Nag-iisang naglalakad wala man lang katabi
Gusto kang samahan pero laging nagmamadali
Gusto kong kasama kahit sobrang saglit

Pero ang hirap isipin kasi alam ko may iba
Okay na sakin basta't makita kang masaya

Ba't ganito ba ang pag-ibig?
Pag iisipin ng marami
Kahit anong gawin wala lang sakanya
Tinuturing mong prinsesa
Kahit alam mong kaibigan ka
Hanggang sa dulo walang-wala pa rin sa kanya
Siya lang kasi ang nagpapasaya

Di mo ata alam na andito lang ako
Kung kailangan mo nang tulong
Ako ang sasagip sayo
Mag mumukha akong tanga para sayo
Basta't makita ngiti mo
Wala akong pake sa mundo

Pero ang hirap isipin kasi alam ko may iba
Okay na sakin basta't makita kang masaya

Ba't ganito ba ang pag-ibig?
Pag iisipin ng marami
Kahit anong gawin wala lang sakanya
Tinuturing mong prinsesa
Kahit alam mong kaibigan ka
Hanggang sa dulo walang-wala pa rin sa kanya

Gabi nanaman at nakita kang pauwi
Nag-iisang naglalakad wala pa ring katabi
Tatabihan ka na ba para makasama ka saglit
Panahon na nga ba para ako'y umibig muli?

view 146 times

comments